Muling nanindigan ng Simbahang Katolika sa panukalang naglalayong magkaroon na ng diborsyo sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 9349 na layong gawing mode ng dissolution of marriage ang divorce.
Sa isang panayam, sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs executive secretary Fr. Jerome Secilliano na hindi na kailangan pa ng divorce sa Pilipinas.
Aniya, mayroon naman na raw mga legal remedies para sa mga ‘problematic’ na marriage.
Matatandaaang sa ilalim ng panukala – ang mga pahihintulutan lang sa divorce ay ‘yung mga irreparably broken o dysfunctional marriage na.
Mahigpit ding titingnan ang mga grounds, gaya ng karahasan, panga-abuso, pagiging alcoholic at drug user, at iba pa.
Bukod sa Vatican City, isa ang Pilipinas sa dalawang bansa sa buong mundo na hindi pa legal ang divorce.