Civilian-led resupply mission – maituturing nang ‘mission accomplished’

Nasa final leg na ng kanilang misyon ang Atin Ito! Coalition, matapos nilang matagumpay na naihatid ang mga supply sa mga mangingisda sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Maaalalang nakarating nang maayos ang advance party ng grupo sa Bajo de Masinloc kung saan ay naipaba naipaabot nila ang nasa 1,000 liters ng diesel; at 200 mga food packs.

Ito ay sa kabila ng mga pagbuntot ng dalawang mga warships ng Chinese People’s Liberation Army Navy.

Sa ngayon, pabalik na raw sila Subic Fish Port in Olongapo City, Zambales.

Muli naman nilang ipinagmalaking ‘mission accomplished’ ang tatlo nilang mga pangunahing layunin. Ang magkaroon ng peace regatta, maglatag ng mga boya, at ang magbigay ng mga supply sa mga mangingisda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *