SolGen – bumuo na ng team para imbestigahan ang isyu kay Bamban Mayor Guo

Sinimula na ng Office of the Solicitor General (OSG) ang pagsilip sa isyu kay Bamban Mayor Alice Guo, partikular na sa kuweestyon sa kaniyang nationality, at kung karapat-dapat ba itong tumakbo at humawak ng isang public office position.

Sabi ni SolGen Menardo Guevarra – nakikipoag-coordinate na sila sa iba’t ibang mga ahensya para rito.

Mayroon na rin umanong isang team na nakatutok sa pagi-imbestiga sa isyu para kuhain ang mga kinakailangang facts.

Kung maaalala – una nang sinabi ng Commisison on Elections (COMELEC) na nasa kamay na ng OSG ang paghahain ng quo warranto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *