Replika ng imahen ng Itim na Nazareno mula sa Quiapo, bumisita sa Camarines Sur

NAGA CITY- Inabangan ng mga deboto ang pagbisita sa Calabanga Camarines Sur ng Replika ng Itim na Nazareno mula pa sa Quiapo, Maynila.

Ang iba sa kanila sumama mula pa sa mobile procession patungo sa simbahan ng Our Lady of La Porteria , ang iba ay sa simbahan na nag hintay para sa misa.  Manatili ang replika sa ilan pang simbahan sa naturang bayan hanggang sa Agosto 29.

Dumayo naman sa Calabanga ang ilang vendors mula pa sa Quiapo tulad ni Milagros Blanco na nasa 50-taon nang nagtitinda ng mga imahen, rosary at iba pang simbolismo ng paniniwala sa poon ng itim na Nazareno, napagtapos ang mga anak dahil sa nasabing hanapbuhay.

Ayon sa 64-anyos na si Emma Ted ng San Isidro Calabanga, matagal na siyang deboto, baon niya ang mga panalangin para sa mga kapatid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *