Bilang nagpapa rehistro sa COMELEC-Naga City bumaba

NAGA CITY –Bumaba bigla ang bilang ng  nagpaparehistro sa Naga City sa ginagawang regular na voter’s registration para sa paparating na national at local elections sa taong 2025, ayon kay Atty. Maico Julia Jr. COMELEC Officer ng lungsod.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Naga, sinabi ni Julia na hindi na umaabot sa 100 o higit pa ang nagpaparehistro sa kanilang opisina, kaya kaugnay nito muli niyang tinatawagan ang publiko na huwag sayangin ang pagkakatong ito para makalahok sa susunod na halalan.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Partikular na tinatawagan ng opisyal ay ang mga kabataan at mga estudyante dahil sa bakasyon naman aniya, walang dahilan para hindi ang mga ito magpa rehistro lalo pa at bukas sila hanggang araw ng Sabado.