Bangkay ng sekyu na may tama ng bala, natagpuan sa Batangas

Isa nang malamig na bangkay ng matagpuan ng mga lokal na residente ang isang sekyu sa isang farm sa Sitio Puting Buhangin, Brgy. Paraiso, Calatagan, Batangas.

Kinilala ng Calagatan Municipal Police Station ang biktima na si Tabora Jr y Quibeyen, 38 may asawa at residente ng Brgy. Pinugay, Baras, Rizal.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon sa imbestigasyon, pasado alas-6:00 kahapon ng umaga nang matagpuan ito ng dalawang lokal na residente na nakahandusay sa gate ng isang farm.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

May mga sugat ito na pinaniniwalaang tama ng bala sa ulo at balikat na posibleng naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaslang at kung ano ang motibo nito.