NAGA CITY- Dinagsa ang pamamahagi ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development Office kaugnay ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Camarines Sur.
Kabilin-bilinan ng DSWD na ang mga hindi na-accommodate noong Sabado Agosto 20, 2022 na nakatanggap ng text mula sa DSWD lamang ang pumunta sa Pili Convention Center at mga residente muna ng Pili, Naga City, Bombon, Calabanga, Camaligan, Magarao, Canaman at Ocampo pero ang iba sa mga pumunta na may natanggap na mensahe ay wala sa actual na listahan ngayong araw.
Halimbawa si Sheryl Sales ng Magarao, maagang silang nag pila noong nagdaang Sabado pero naubusan ng form kaya ngayon bumalik. Ang asawa niya ang opisyal na nakalista noong Sabado pero ngayon wala sa listahan ng makakakuha ng ayuda.
Naabutan naman ng BNFM sa ambulansya ang isa pang ginang na si Alona Cruzat na nagpapa tingin ng blood pressure , tumaas ang presyon ng dugo at dismayado rin dahil ang alam niya makakakuha siya ng ayuda dahil pinababalik ngayong Sabado.
Ngayong araw 2,000 ang target ng DSWD na mabigyan ng ayuda sa lalawigan.