Pag-aaralan ng Department of Migrant Workers o DMW ang pagbuo ng polisiya na magbabawal sa mga sasakyang pandagat na dumaan sa Red Sea.
Kasunod ito ng ilang insidente ng pag atake ng Houthi rebels sa mga barko na may tripulanteng Pilipinong marino.
Sa kabila nito, wala pang maibigay na timeline ang DMW kung kelan mabubuo ang polisiya, dahil magsasagawa pa anya sila ng konsultasyon sa kanilang mga partner, at nangangailangan pa ito ng mabusising pag aaral mula sa panig ng Dept of Foreign Affairs.
Aminado rin ang DMW na hindi sila basta basta makapag implenta ng pag ban dahil hindi naman nila pwedeng pahintuin ang komersyo.
Sa ngayon tanging ang “rights to refuse sailing” pa lang ang ipinatutupad ng pamahalaan sa mga Filipino seafarers.