BNFM Bicol- NAKIISA ang ilang mga estudyante at mga ICT enthusiast mula iba’t ibang unibersidad sa rehiyon sa katatapos pa lamang na Regional ICT Summit and Exhibitions (RISE) na ginanap sa Ateneo de Naga University.
Pinangunahan ito ng Department of Information and Communications Technology (DICT) bilang bahagi sa pagdiriwang ng ICT Month na may temang “Bayan Digital: Ang Bagong Pilipinas.”
Sa nasabing summit ipinagpasalamat ng ilang mga estudyanteng nakilahok gaya ng 23-anyos at 4th – year Electronics Engineering Student mula sa Virac, Catanduanes na si Dante Joson, at si Saralyn S. Maqueses, 23-anyos, 4th year engineering student mula naman sa lungsod ng Naga ang kahalagahan ng ganitong programa lalo na sa mga katulad nilang mga estudyante.
Samantala, target ng DICT at ng ilang mga opisyal sa taong 2028 ang pagkakaroon ng aabot sa 28,000 mga trabaho na may kaugnayan sa Infomartion and Communications Technology na mismong mga Bicolano ang makikinabang. ### Nico Merciales, Intern
Courtesy: DICT Region V Bicol