Pekeng traffic enforcer na nahuling naniniket ng mga motorista sa Maynila, arestado

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang isang lalaking nagpanggap na traffic enforcer at mangikil sa mga motorista.

Nahuli ang 38-anyos na suspek matapos maaktuhang nagmamando ng trapiko at nanghuhuli ng mga motorista lumalabag sa batas trapiko sa kahabaan ng Quirino Avenue, Malate, Maynila.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Nakasuot pa ng MTPB uniform at jacket at may hawak pang handheld radio nang maaresto ang suspek.

Ayon sa MTPB, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga motorista tungkol sa isang umano’y miyembro nila na nangongotong sa lugar.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Nasa kustodiya na ng Manila Police District ang suspek at sinampahan na na mga kasong paglabag sa Article 177 o Usurpation of Authority and Official Functions at Article 179 o Illegal Use of Uniform or Insignia.