Rider na pumasok sa busway ng walang helmet, lisensya, papeles, ID, at nakatsinelas, huli sa operasyon ng SAICT

Tila proud pa ang isang rider na nahuli ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) nang bigla itong pumasok sa southbound Roosevelt station ng EDSA Busway.

Ayon sa SAICT, walang papeles ang motorsiklo ng rider, walang lisensya, walang suot na helmet, walang dalang identification card (ID), nakasando at tsinelas pa ang nahuling rider.

Diretso impounding area ang motor ng rider at inisyuhan ito ng mga patong patong na violation ticket kabilang ang unregistered motor vehicle, driving without license, not wearing helmet at iba pa.