DOH Bicol, nananawagan sa mga kalalakihan sa rehiyon na magpakonsulta ngayong ipinagdiriwang ang Prostate Cancer Awareness Month

BNFM Bicol-PATULOY sa panawagan ngayon ang Department of Health o DOH Bicol na magpakonsulta at sumailalim sa screening kontra prostate cancer ang mga kalalakihan sa rehiyon.

Ito ay alinsunod sa selebrasyon ng Prostate Cancer Awareness Month ngayong buwan ng Hunyo.

Read More:  Man shot in the head while playing at Cebu computer shop

Ayon sa pag-aaral ang prostate cancer ay pinakakaraniwan sa mga taong higit sa 50 taong gulang. Karaniwan itong lumalaki nang mabagal at hindi nagdudulot ng mga problema sa kalusugan na kadalasang hindi alam namayroon na pala ang isang lalaki ng sakit na ito na pwedeng mauwi sa isang malalang kundisyon.

Read More:  Habagat’s impact exposes fragility of Ilog-Hilabangan watershed

Dahil dito, patuloy sa paghihikayat ang nasabing departamento para maagang ma-test at mabigyan ng karampatang medikasyon ang sinumang may ganitong kondisyon. ### KENNETH BERMIL