Pagpapanatili ng kapayapaan dalangin ng mga Muslim sa Naga sa pagdiriwang ng Eid’l Adha

NAGA CITY- Masayang nag tipon ang mga muslim sa Naga City kahapon Hunyo 16, nagsalu-salo rin sa mga halal na pagkain sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Muslim Affairs Head Mike Mustapha, kung oobserbahan parang isang lingo ang kanilang pagdiriwang simula kahapon, ang iba sa mga kapatid sa pananampalataya tumungo sa beach resort bilang parte ng selebrasyon. Panalangin nina Mustapha ay ang mapanatili ang kapayapaan sa lungsod at sa bansa. 

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Ang Eid’l Adha ay ang pangalawang pangunahing pagdiriwang para sa mga Muslim pagkatapos ng Eid al-Fitr o pagtatapos ng Ramadan. Dito inaalala ang kahandaan ni Ibrahim na isakripisyo ang kaniyang anak na si Ishmael bilang pagsunod sa utos ni Allah. Bilang tradisyon ng Eid’l Adha, kinakatay ang mga halal na hayop tulad kambing.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Sa bisa ng Proclamation No. 579, ngayong araw  Hunyo 17 ang regular holiday sa bansa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng mga mananampalataya sa Islam.