Kinumpirma ng Philippine National Police (PBP) na dahil sa kontrobersyal na raid sa property ni Apollo Quibuloy ang dahilan sa pag-relieve sa pwesto ng matataas na opisyal ng PNP.
Kasama rito ang inalis sa pwestong Regional Director ng Police Regional Office 11 na si PBGen Aligre Martinez, inalis sa pwestong si Directorate for Operations PMgen Ronald Lee at dating Intelligence Group Director PCol Edwin Portento.
Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, nais nilang bigyang daan ang imbestigasyon sa kung nagkaroon ba talaga ng:
Pagmamalabis, negligence of supervision sa kamakailan sa pagse-serve ng warrant at violaton of police operational procedure sa isinagawang raid.
Kasunod nito kanyang sinabi na inalis din sa pwesto ang 9 na pulis galing sa Criminal Investigation and Detection Group, 1 pulis galing sa Traffic Management Unit at 1 tauhan mula sa Special Action Force.
Paninindigan naman ni Fajardo, lehitimo ang kanilang paghahain ng warrant of arrest laban kay Quibuloy dahil tagapagpatupad lang naman sila ng batas.