DPWH – may paliwanag sa paglobo ng budget ng New Senate Buidling

Nilinaw ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may ilang variations mula sa inisyal na plano sa bagong Senate Building, dahilan para lumaki ang projected cost nito.

Una na kasing sinabi sa isang pahayag ni Senator Alan Peter Cayetano na nababahala siya kung bakit napahintulutan ang DPWH na i-revise ang plano sa building at baguhin ang budget mula sa naunang P833M.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Paliwanag ng DPWH, may 5 iba’t ibang variation orders ang New Senate Building na nagkakahalagang P549M.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Naaprubahan umano ito ng mga dating chairpersons ng Senate Committee on Accounts, dating senador Panfilo Lacson, at Senadora Nancy Binay.

Ayon kay DPWH Project Director Engineer Soledad Florencio, may pagbabago at nadagdag sa mga designs kaya tumaas din ang kakailanganing pondo.