NEDA, nagpaliwanag kaugnay sa pagbaba ng target ng ipapatayong housing unit sa 4PH program

Nagpaliwanag si National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan hinggil sa naging desisyon ng pamahalaan na bawasan ang target na itatayong housing unit sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino o 4PH program.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Secretary Balisacan na maaapektuhan ang budget ng ibang sektor tulad ng education, health, at infrastructure kapag ipinilit na makapag patayo ng isang milyong pabahay kada taon.

Read More:  1Tahanan raises alarm on health impact of vaping, online gambling

Sa ilalim kasi ng programa, isusubsidiya ng pamahalaan ang mga targeted beneficiaries na low-income households, gayundin ang pagbibigay ng subsidy interest sa loan.

Sa kabila nito, hindi naman nakikita ni Balisacan na maaapektuhan nito ang employment status sa bansa.

Read More:  Search for missing ‘sabungeros’ may take 6 months – Remulla

Nabatid na may malaking bahagi ang 4PH program sa pag produce ng mga bagong trabaho sa bansa.

Una nang sinabi ni DHSUD Secretary Rizalino Acuzar na ibinaba na nila sa 3 million mula sa dating 6 million ang target housing unit na maitatayo bago matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos.