Pilipinas, napiling maging host ng Loss and Damage fund board

Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na nahalal ang Pilipinas mula sa pitong contenders upang maging host ng Loss and Damage Fund board.

Nabigyan rin ng pwesto ang Pilipinas sa mismong Lupon.

Tiwala ang Pangulo na magsisilbing boses ang Pilipinas sa pagtataguyod at pagsusulong ng pandaigdigang aksyon laban sa climate change.

Ayon pa sa Pangulo, ang pagho-host ng LSF Board, ay nagbibigay diin rin sa dedikasyon ng bansa, at sa leadership role nito, na siguruhin na ang boses ng mga bansang pinaka-apektado ng Climate Change ay kabilang sa mga huhubog ng mga hinaharap na international climate policies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *