Mga mangingisda ng Zambales dumalo sa Public Consultation ng Kongreso tungkol sa usapin ng WPS

Nagbahagi ng kanilang saloobin at karanasan ang mga mangingisda ng Zambales sa kanilang paghahanapbuhay sa Bajo de Masinloc.

Ito ay sa isinagawang Public Consultation ng Committee on National Defense and Security at ng Special Committee on the West Philippine Sea ng Kongreso na isinagawa nitong Byernes sa Masinloc, Zambales.

Pinakinggan ng joint committee at iba pang mga representante kasama sina Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun at 2nd District Rep. Bing Maniquiz, ang problema ng mga ito sa pangingisda sa nasabing teritoryo dahil sa pangamba sa banta umano ng China.

Hiling ng mga mangingisda na matulungan ng gobyerno na malayang makabalik sa paghahanapbuhay sa lugar.

Kaugnay nito, mahalaga umano ang ginawang pagdinig para makapagrekomenda ang kongreso ng mga hakbang para maresolba ng mapayapa at makatarungan ang usapin.

Nagpasalamat naman ang mga mangingisdang dumalo at mga lokal na opisyal ng probinsya sa pamamagitan ni Gov. Jun Ebdane at Masinloc Mayor Arsenia Lim dahil sa pagbaba sa lalawigan ng mga kongresista para direktang makausap ang mga apektadong sektor.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *