Labis ang pagkagalak ng isang babae sa isang aspin na tila may lambing sa mga kilos nito matapos siyang pilit na sundan habang naglalakad sa daan.
Papauwi na kasi si Princes Ybañez nang biglang lumapit sa kaniya ang isang asong-PINOY!
Kuwento niya, kinabukasan daw ay hinanap niya ulit ang aspin at bumili siya ng chicken.
Buti na lang daw ay muli niyang nakita ang aspin at ito ay binigyan niya ng pagkain at tubig.
Hindi kinalimutan ni Princes ang asong nakipagkaibigan sa kaniya. Hanggang sa nagsimula na ang hindi inaasahang pagkakaibigan nina Princes at ng aso na pinangalanan niyang si Chase.
Binibisita at pinakakain araw-araw ni Princes si Chase tuwing pauwi siya galing sa trabaho.
Gustuhin man ni Princes na iuwi si Chase, ngunit hindi pa ito akma sa kaniyang sitwasyon.
Dagdag pa nito na hiling din niya sa iba pang tao na maging mabuti sa nae-engkuwentrong stray animals.
