Pangulong Marcos may magkasunod na byahe abroad sa susunod na linggo

May dalawang magkasunod na byahe abroad si Pangulong Bongbong Marcos sa susunod na linggo.

Sa departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs Spokesperson Teresita Daza na nakatakda ang unang State Visit ng Pangulo sa Brunei Darussalam sa May 28 hanggang 29 kasama si First Lady Liza Araneta Marcos.

Magkakaroon ng bilateral meeting ni Pangulong Marcos at Brunei Sultanate Hassanal Bolkiah, kung saan inaasahang malalagdaan ang ilang memorandum of understanding para sa pagpapalakas nga agrikultura, food security, maritime at security.

Susundan ito ng meeting sa Filipino Community at business forum.

Samantala, isang working visit naman ang gagawin ni Pangulong Marcos sa bansang Singapore sa May 31.

Magiging keynote speaker ang Pangulo sa 21st edition ng The International Institute for Strategic Studiess o IISS na Shangri la Dialogue 2024.

Sinabi ni Asian and Pacific Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau, na si Pangulong Marcos ang unang Presidente ng Pilipinas na inimbitahan sa tinaguriang Asia’s premier defense summit.

Sa naturang dialogue magsasama ang mga defense ministers, military leaders, senior defense officials, gayundin ang mga state leaders at security experts mula sa 40 bansa.

Maliban sa kanyang speaking engagement, makikipag kita rin ang Pangulo sa bagong Presidente at Prime Minister ng Singapore.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *