DOH, hinimok na imbestigahan ang anti-vax campaign ng US military

Naniniwala ang Department of Health na dapat imbestigahan ang umano’y “secrte campaign” ng US military upang siraan ang Sinovac vaccine ng China.

Ayon sa inilabas na report ng Reuters, pinagduhan ng Amerika ang kaligtasan at bisa ng mga ginagawang bakuna ng China, na siyang ipinapadala sa mga iba’t ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Dagdag pa sa kanilang investigative report, naglabas rin ang Pentagon o ang Department of Defense ng US ng mga misinformation sa Covid-19 sa Twitter gamit ang 300 accounts.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Para kay DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, karapat-dapat na imbestigahan at marinig ng mga naaangkop na awtoridad ng mga sangkot na bansa ang mga natuklasan ng Reuters.