IOC, planong lumikha ng Olympic Esports Games

Boboto ang International Olympic Committee (IOC) sa susunod na buwan para sa paglikha ng makabagong Olympic Esports Games, na inaasahang magiging pinakamataas na parangal para sa mga manlalaro ng esports, ayon kay IOC Presidente Thomas Bach.

Matagal nang pinag-aaralan ng IOC ang Esports at bumuo ng isang komisyon para sa mga oportunidad nito.

Taong 2021, inilunsad nila ang Olympic Virtual Series bilang pilot project sa Esports.

Ayon kay Bach sa isang press conference, na sa paglikha ng Olympic Esports Games, ang IOC ay sumusulong at nakikiayon sa takbo ng digital na revolution.

Ang panukala ng executive board ng IOC ay pagbobotohan sa kanilang sesyon sa Paris Olympics sa susunod na buwan, habang sinusuri ang mga potensyal na host countries. (Michaela Jane De Leon – Brigada News Intern)