Sinimulan ng Pilipinas at Ametika ang annual Marine Aviation Support Activity sa baybayin ng Camp Bojeador sa Ilocos Norte at sa katubigan ng Naval Education, Training and Doctrine Command (NETDC) sa Zambales.
Nabanggit na ang millitary exercises na ito ng US Marine Corps (USMC) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay para sa “mutual defense, strengthening relationships at rehearsing emerging aviation concepts” ng dalawang bansa,
Pinatakbo ang USMC F-35B Lightning II multi-role stealth fighters sa Zambales at air strike simulation target sa katubigan.
Nagbigay ng suporta ang Amerika sa Philippine Marine Corps (PMC) upang mas mapagigting pa ang ugnayan ng Amerika at Philippine Forces.
