Mandatory repatriation sa mga Pilipino sa Israel at Gaza, dapat nang ikonsidera ayon sa isang kongresista

Nanawagan si Batangas Representative Gerville Luistro sa gobyerno na muling ikonsidera ang pagpapatupad ng mandatory repatriation sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Israel at Gaza.

Sa ginanap na briefing ng House Overseas Workers Affairs Committee hinggil sa sitwasyon sa Israel, inirekomenda ni Luistro na iakyat na sa Alert Level 4 ang status sa Israel at Gaza strip upang maging mandatory o sapilitan na ang pagpapauwi sa mga kababayan.

Ipinunto ng kongresista na masasabing “indiscriminate” ang mga pag-atake at maaaring tamaan ang sinuman kabilang ang mga Pilipino kung pagbabasehan ang international news reports.

Una nang ipinanukala ng Philippine Embassy sa Amman, Jordan na nakasasakop sa Gaza na iakyat na ito sa Alert Level 3 para sa voluntary repatriation.

Ito’y matapos hilingin ng pitumpung Pilipino na naroon ang repatriation.

Nasa Alert Level 2 naman ang Israel at nasa dalawampu’t tatlong Pinoy ang inaasikaso ng Department of Migrant Workers na mapauwi na ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *