Nakikipag-ugnayan na ang PNP Anti Cybercrime Group sa Departmnent of Information and Communication Technology.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y para itake down ang ang di umano’y ‘polvoron video’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nauna ng sinabi ng National Bureau of investigation na base sa resulta ng kanilang forensic investigation, ibang tao ang nasa video at hidni ang Pangulo.
Samanatalam sa pamamagitan ng Deepware artificial intelligence detection tool ng PNP ACG gamit ang multiple algorithms, napatunayang peke ang video na ginawa sa pamamagitan ng AI.
Tinukoy dito ang mga pagkakaiba ng “facial features” ng Pangulo, sa hindi kilalang lalaki sa video, partikular ang sukat ng tenga, hugis ng mata at ilong
Nanawagan sa publiko si Fajardo na huwag ipakalat ang naturang video dahil ito ay peke.