P45.6B na halaga ng iligal na droga nakumpiska ng PDEA sa ilalim ng Marcos Admin

Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umabot sa 45.68 billion pesos na halaga ng illegal na droga ang nakumpiska sa ilalim ng Marcos administration mula July 01, 2022 hanggang June 30, 2024.

Kabilang sa mga nakumpiska ay shabu sa 5, 945.67 kilos, Cocaine 74. 60 kilos, ecstacy 105, 873 pieces at 5, 064.68 kilos ng marijuana.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ayon sa PDEA, maliban sa pagkakakumpiska ng mga illegal na droga, umabot din sa 101, 757 ang bilang ng mga arrested suspects mula sa ikinasang 74,832 anti-illegal drugs operation.

Iniulat din ng ahensiya, na umabot sa 1, 053 drugs dens ang kanilang nabuwag.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Mayroon na rin 28, 899 na drug cleared barangays sa bansa.

Maaalalang sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nangako siyang ipagpapatuloy ng kaniyang administrayson ang bloodless campaign laban sa iligal na droga sa bansa.