CAMARINES SUR- Maximum Deployment ang ipatutupad ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) sa Lunes Hulyo 29, 2024 o sa pagbubukas ng Academic Year 2024-2025.
Ito ang sinabi ni PCT. Sheralyn Samonte, tagapagsalita ng pulisya sa lalawigan kaugnay ng Back-to-School. Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga , binanggit nito na tutukan nila ang mga paaralang nasa tabi ng National Highway, may presensya rin ng otoridad sa iba pang paaralan, makakatuwang ang mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at Barangay Peacekeeping Security Officer (BPSO) sa mga komunidad. Magbabantay din ang PNP laban sa posibleng krimen.
Sa mga hindi na abot ng PNP katuwang din nila ang Philippine Army at iba pang nagpaapanatili ng seguridad. Sa tala ng DepEd Bicol nitong Hulyo 25, umabot na sa mahigit 218,000 ang enrollees sa DepEd CamSur habang mahigit 25,000 sa Iriga City Division.