Legal na mga small-scale mining sa SOX, hindi puweding ipatigil!

KORONADAL CITY – HINDI maaring ipatigil ng Mine and Geosciences Bureau o MGB-12 ang mga Small Scale Mining na walang bayulasyon.

Ito ang nilinaw ni Engr. Roger Tamayo, Chief ng MMD-MGB-12 kung saan illegal lamang ang maaaring ipatigil ng ahensya dahil marami ngayong mga small scale mining ang naideklarar na bilang legal na sakop ng Minahang Bayan gaya sa mga SCM sa bayan ng T’boli.

Nilinaw ni Tamayo na yong mga minahan na nasa labas ng Minahan ng Bayan ang maaaring i-regulate ng ahensya. Kaugnay sa aktibidad na ito, kasama nila ang mga militar at iba pang mga opisina upang ma-eliminate ang mga hindi legal.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Samantala, mayroon umanong designated areas na maaring pagsagawan ng pagmimina. Nagsagawa naman ng Massive Small-Scale Miners o MSS Safety Seminar ang Provincial Environment Management Office sa tulong ng South Catabato SSM Federation sa T’boli, South Catabato. Lubos naman ang pasasalamat ni South Catabato SSM Federation President Ms. Josephine Balonga sa inisyatibong ito dahil mas maipapaibayo pa ang kanilang aktibidad bilang mga nagmimina.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Sa datos, nasa 550 lahat na mga small-scale miners ang nakibahagi sa aktibidad kung saan kinabibilangan ito ng mga asosasyon ng: Desawo Integrated Small Scale Miners Association, Inc. o DISSMAI; Maguan Clan Small-Scale Miners Association, Inc. o MCSSMAI; T’boli Minahang Bayan Multi-Purpose Cooperative o TMBMPC at Fludi Tuan Small Scale Mining Cooperative o FTSSMC.