Sen. Pimentel, idiniing wala ring dapat confidential funds ang Office of the President

Binigyang-diin ni Senate Minority Leader, Senator Koko Pimentel na hindi na dapat bigyan muli ng 4.56 bilyon pesos na confidential at intelligence funds ang Office of the President (OP).

Ito ay matapos niyang masipat ang ginawang paggamit ng CIF ng OP sa naging presentasyon nito.

Sa kabilang banda, ito naman ay salungat sa paniniwala ni Senate Committee on Finance, Senator Sonny Angara.

Dahil ayon kay Angara, napakadetalyado at makikitaan ng malinaw na pinagtunguhan ng CIF ang inilabas na report ng OP.

Maalala, binigyang-diin na ni Pimentel noong mga nakalipas na araw na dapat ng tanggalan ng intelligence funds at bawasan ng confidential funds ang OP na isang civilian agency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *