PNP – Carina, Habagat death toll: 34

Pumalo na sa 34 ang bilang ng mga nasawi sa Bagyong Carina at habagat, ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Saad ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, 11 sa mga nasawi ay mula Metro Manila base sa response operations na isinagawa ng PNP kasunod ng epekto ng bagyo.

Read More:  2 reported dead as Inday-enhanced monsoon hits Mindanao

22 indibidwal ang namatay dahil sa pagkalunod, anim ang naguhuan ng lupa, lima ang nakuryente, at isa ang nabagsakan ng punong natumba.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Nilinaw din ni Fajardo na ang bilang ng mga naitalang nasawi ay hindi pa validated ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dahil 14 pa lamang ang kanilang naberipika.