Muling umapela ang Department of Health sa publiko na iwasan ang paliligo sa tubig baha o tinawag na ‘leptospirosis resort’ ni Secretary Ted Herbosa.
Ayon kay DOH Asec. Albert Domingo maliban sa marumi ang tubig baha dahil sa mga basura, ito rin daw ang ginagawang inidoro ng mga daga.
At ang ihi ng daga ang nagiging sanhi ng nakamamatay na sakit na leptospirosis.
Kabilang sa mga sintomas nito ay paninilaw ng mata, nagiging kulay tsaa ang ihi habang ang dumi ay nagiging kulay tisa o namumuti, pwede rin daw makaranas ng pananakit ng tyan, at paninigas ng katawan na may kasamang lagnat.
Dagdag ni Domingo, hindi agad lumalabas ang sintomas ng leptospirosis dahil kadalasang umaabot pa ito ng 14-30 days bago makita.
Nabatid na may ilang residente sa Metro Manila na ginawang tila resort ang ilang area na binaha sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina.