CAMARINES SUR- Patay ang 47-anyos na mangingisda matapos na mahulog mula sa bangka sa Calabanga, Camarines Sur.
Sa nakuhang imporyason ng Brigada News FM Naga sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) alas-12 ng tanghali ng mangyari ang insidente. Nakasabit sa propeller ang lambat at pilit na tinanggal ng biktima, yun nga lamang ay nahulog siya sa bangka at mabilis na umilalim.
Nagkasa ng search and rescue hanggang sa naging search and retrieval ang pinag-isang puwersa ng MDRRM, PNP, Phil. Coast Guard, Calabanga Maritime Police, BDRRMO, mga Brgy. Tanods at volunteers at bangkay nang natangpuan si “Romnel” ng Bonot Calabanga, 50-60 metro ang layo mula sa pinagyarihan.
Napag-alaman ng BNFM na hindi marunong lumangoy ang lalaki at ayon pa sa PNP, nakainum ito bago pumalaot. Pinag-iingat ng mga otoridad ang mga mangingisda lalo na ngayong panahon na ng mga bagyo.