Ilang Senador nakaranas ng radio challenge sa China habang papunta sa Pag-asa Island

Nakaranas ng radio challenge mula sa China sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Majority Leader Joel Villanueva, at Deputy Majority Leader JV Ejercito bago lumapag sa Pag-asa Island.

Ang parehong hamon sa radyo ay natanggap din ng isang eroplano ng Philippine Air Force na lulan ng grupo ng mga mamamahayag na nag-cover sa pagbisita ng mga senador.

Read More:  Padilla pushes law to hold minors liable for heinous crimes

Maliban dito, may namataan ding isang Chinese Coast Guard vessel at ilang Chinese militia vessels na may 3 hanggang 4 nautical miles ang layo mula sa Pag-asa Island.

Read More:  VP Sara Duterte ready to face impeachment trial

Sinabi ni  Naval Forces West Commander Commodore Alan Javier ito ang normal na bilang ng mga sasakyang pandagat ng China na nakita ng mga pwersang Pilipino.