PBBM, tiniyak na pantay-pantay na ipatutupad ang paghihigpit sa passport at visa

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na walang pinipiling bansa ang Pilipinas sa paghihigpit ng mga requirement sa passport at visa.

Paliwanag ng Pangulo kailangan ito dahil dumarami ang mga ilegal na pumapasok sa Pilipinas.

Mababatid na nagpatupad ang Department of Foriegn Affairs ng  mas mahigpit na visa policy sa mga Chinese na gustong pumasok sa Pilipinas.

Ito ay dahil sa mga krimen na may kaugnayan sa POGO at mga Chinese na ilegal na ang o-over stay sa bansa.

Nakatakda ring silipin ng mga otoridad ang isyu sa seguridad kaugnay ng umano’y pagdami ng mga Chinese students sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *