Hindi pagtanggap ng Rice Farmer Financial Assistance, reklamo ng ilang magsasaka-DA Bicol

CAMARINES SUR – Hindi pagkakatanggap ng taunang Rice Farmer Financial Assistance o RFFA, ang kadalasang inilalapit na problema o reklamo ng mga magsasaka lalo na/ sa Camarines Sur.

Ito ang napag-alaman kay Love Guarin, Information Officer ng Department of Agriculture Bicol, kung saan nilinaw din nito na hindi talaga lahat na miyembro ng Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay taunang makakatanggap ng nasabing asistensya lalo na mababa sa dalawang ektarya lamang ang mga maaaring makatanggap, isa pa ang iba ay bagong rehistro lamang.

Samantala sa Fisherfolks Month Celebration, na dadaluhan ng nasa 300 na mga magsasaka mula Camarines Sur, at ibang lalawigan, kasama sa mga programa ng DA  ang Civil Society Organization Accreditation, Rice Program, Corn Program, Livestock Program, Promotion and Development of Organic Agriculture Program at iba pa, kung saan mailalapit ang bawat concern ng mga magsasaka, mabibigyan ng mga interbensyon at matutulungan sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *