Ina ng sanggol na itinapon sa septic tank, tukoy na

Natukoy na, at inoobserbahan sa ospital na ngayon ang menor de edad na ina ng sanggol na nakita sa loob ng septic tank sa Brgy. Tagburos, Puerto Princesa City.

Ayon kay Kapitan Roberto Tero, natukoy nila ang ina kagabi at bago nila ito dinala sa ospital.

Gayunpaman, ipinapaubaya na ni kapitan sa mga imbestigador ang asunto na maaring kakaharapin ng batang ina.

Samantala, lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng barangay na biktima lang din umano ang ina ng sanggol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *