Atake sa puso, dahilan ng pagkamatay ng isang guest sa isang lodge sa Koronadal

KORONADAL CITY – CARDIAC arrest o atake sa puso ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng isang babae sa isang lodge sa Barangay Zone 3, Koronadal City noong Mayo 07, 2024. Kinilala ang biktima na si Erlinda Alejan Tadena, 46, residente ng Banga, South Cotabato kung saan noong Mayo 8 agad na nagpatuman ng autopsy sa bangkay nito ang mga otoridad kasabay sa hiling ng pamilya nito.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay PLt.Col. Hover Tapang Antonio, Chief of Police ng Koronadal City Police Station, inihayag nito na base sa resulta ng medico-legal, natural death ang dahilan ng kamatayan lalo na ang pag-palpitate o problema sa puso.

Dahil sa ilang oras na na hindi gumising ang biktima na si Erlinda Alejan Tadena, napagdesisyunan ng kasamang ito na dahil na lamang sa ospital ang biktima mula sa lodge.

Kung saan, nag-extend umano ang lalaki na kasama ni Tadena noong oras simula alas 10 ng umaga na nag-check-in dahil tulog pa ang biktima.

Inihayag din ni Antonio, na hindi niya mister ang kasama nito na pumunta sa isang lodge sa Koronadal, sa kabila nito, nananatiling itinatago ng mga otoridad ang identity ng lalaki kasama ni Tadena.

Samantala, wala namang ibang nakitang dahilan ang Koronadal City Police Station sa kamatayan ni Tadena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *