Bakuna kontra African Swine Fever nasa phase 2 na ayon sa DA

Nagpapatuloy ang ginagawang testing sa posibleng vaccine laban sa African Swine Fever na labis na nakapa-apekto sa hog raising industry.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar sa ngayon nasa phase 2 na ang naturang pag-aaral baga’t kailangan pa itong dumaan hanggang sa phase upang malaman kung ito ba ay epektibo laban sa virus.

Inilahad naman ni Dar na bago matapos ang taong 2021 ay matapos nila ang phase 3 ng naturang trial.

Sinabi ni Dar na kapag nagkataon, ito ang kauna-unahang bakuna na made-develop kontra ASF sa loob ng isang-daan taon.

Sakaling maging matagumpay umano ang resulta ng pag-aaral sinabi ni Dar na agad niyang irerekomenda kay Pangulong Duterte ng naturang bakuna para sa 9.7 million hogs na mayroon ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *