Pagbura sa pondo ng NTF-ELCAC sa 2022 budget ibinabala ng ilang senador

Ipinatitigil ng ilang senador ang umano’y pagsasagawa ng “census” sa ilang barangay gamit ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC kasunod ng pagtanggi ngpamunuan ng Philippine National Police (PNP) na pinapayagan nito ang ganitong aktibidad.

Sa isang pahayag sinabi Senador Panfilo Lacson, bilang pangunahing sponsor sa Senado ng badyet ng NTF-ELCAC, hindi niya puwedeng ipagkibit-balikat na lamang ang ganitong impormasyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Nitong Biyernes, itinanggi ng PNP ang paggamit nang hindi tama sa pondo ng NTF-ELCAC, sa paggawa ng census sa iba’t ibang barangay sa buong bansa.

Ayon sa PNP, ipinapatupad lamang nito ang “Intensified Cleanliness Policy” kabilang na ang “cleanliness in the community,” habang pinapalalim ang mga programang may kaugnayan sa police-community relations para maprotektahan ang pamayanan lalo na ang mga kabataan sa mga sindikato at pag-recruit ng “communist fronts.”

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Idiniin din ng PNP na ang lahat ng ginagawa nitong may kaugnayan sa pondo ng NTF-ELCAC ay “above board” at handa silang harapin ang anumang imbestigasyon na isasagawa.

Pero naninidigan si Lacson na kung makikita niyang nagamit nga nang hindi tama ang pondo ng NTF-ELCAC, sasamahan niya si Sen. Franklin Drilon sa panawagang burahin ang iniulat na panukalang P40 bilyon na pondong nakapaloob sa 2022 National Expenditure Program.