Olympic silver medalist Carlo Paalam tatanggap ng P17-M cash rewards

Aabot sa P17-million cash rewards at nakatakdang matanggap ni Filipino boxer Carlo Paalam matapos itong makasungkit ng silver medal sa Tokyo Olympics.

Kabilang dito ang P5 Million na nakasaad sa Republic Act 10699 sa sinumang atleta na makakapag-uwi ng tansong medalya sa anumang Olympic events.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Maliban dito makakatanggap din si Paalam ng P5-Million mula sa MVP Sports Foundation at P5-Million din mula kay business tycoon Ramon Ang.

May dagdag din umano si Sports patron at Rep. Mikee Romero sa silver medalist.

Binigyan din ng Philippine Airlines ang boksingero ng ‘Forever Flyer’ reward kung saan aabot sa 60,000 Mabuhay Miles kada taon ang ibibigay dito ng libre.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Nabatid na nabigo si Paalam na maiuwi ang gintong medalya matapos na matalo kay Galal Yafai Great Britain sa gold medal match.