Arrest policy ng China, isang ‘provocation’ ayon kay Defense Sec. Teodoro

Isang ‘provocation’ ayon kay Defense Secretary Gilbert Teodoro ang direktiba ng Chinese Government sa China Coast Guard na arestuhin ang mga umano’y ‘trespassers’ sa kanilang inaangking teritoryo sa karagatan.

Ang pahayag ay ginawa ng kalihim sa isang ambush interview, matapos dumalo sa ika-126 an anibersaryo ng Philippine Navy kaninang umaga.

Ayon sa kalihim, ang naturang kautusan ay iligal, at labag sa United Nations Charter.

Binigyang-diin din ni Teodoro, na ito ay isang international concern.

Una na ring tiniyak ng Philippine Navy na hindi nila pahihintulutang arestuhin ng China Coast Guard ang mga Pilipinong mangingisda sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *