Simbahan at punerarya, kabilang sa binisita ng SSS RACE Team

Inatasan ang  ang pitong establisamiyento, kabilang ang isang punerarya at Simbahang Katoliko sa bayan ng Pilar, Sorsogon hinggil sa kanilang kontribusyon at hindi pag-uulat ng mga empleyado sa Social Security System Sorsogon Branch.

Kaugnay ito ng isinagawang Run After Contribution Evaders (RACE) kung saan gagawin na ito bawat buwan.

Hinikayat ng RACE Team, sa pangunguna ng branch head na si Rolando Gomez ang mga delinquent employers na mag-avail ng penalty condonation ng kanilang tanggapan upang maging magaan ang kanilang pagbayad ng unremitted contributions.

Nagpalabas ng written orders sa 7 employers na kinabibilangan ng isang funeral parlor, Catholic Church, water refilling station, grocery store, phone and general merchandize, pharmacy at fast food restaurant.

Nakasaad na kailangang sagutin ng mga employers sa loob ng 15 araw mula nang matanggap ang nakasulat sa written order.

Ito na ang pang-limang RACE ng SSS Sorsogon nitong taon at pang-sampo, simula noong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *