Umabot na sa P200, 000,000 ang inisyal na halaga ng pinsala ng Bagyong Goring sa sektor ng agrikultura sa Cagayan at Isabela.
Ayon kay DA- Office of the Assistant Secretary for Operations Technical Adviser Narciso Edillo, umabot na aniya sa 11,904 metric tons ang initial damage loss sa Cagayan at Isabela na aabot ang halaga sa P192,652,704.
Nasa P60, 244,804 ang nasira sa mga pananim na palay sa Cagayan habang nasa P26, 803,545 ang Isabela.
Pumalo naman sa P74,578,000 ang pinsalang naidulot ng bagyo sa mga pananim na mais sa Cagayan at P57,831,000 ang halaga ng pinsala sa Isabela.
Kaugnay nito, umapela ang opisyal sa mga Local Government Units na huwag i-duplicate ang naitalang sira sa bagyong Egay at bagyong Goring upang hindi magkagulo ang listahan ng mga mabibigyan ng binhi mula sa central office para sa mga naapektuhan ng bagyo.