Bagyong #GoringPH – napanatili pa ang lakas habang papalayo ng bansa

Patuloy na kumukilos papalayo sa Extreme Northern Luzon ang Super Typhoon #GoringPH.

Sa 11am bulletin ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 125 kilometro Kanluran Timogkanluran ng Basco, Batanes.

Napanatili naman ng bagyo ang hanging taglay nito sa lakas na 195 kilometor kada oras, at bugsong papalo ng hanggang 240 kilometro kada oras.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes at Babuyan Islands.

Signal number 1 naman sa Ilocos Norte, northern portion ng Abra, Ilocos Sur, Apayao, northern at central portion ng Cagayan.

Magdadala rin ng pag-ulan ang umiiral na Hanging Habagat sa western portions ng Luzon at ng Visayas.

Asahan naman ang mga pag-ulan ngayong araw sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Bulacan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Goring, ngayong gabi o bukas ng umaga.