South Korean opposition leader – pinagsasaksak sa leeg sa Busan

Sinaksak sa leeg ang South Korean opposition party leader na si Lee Jae-myung habang nakikipag-usap ito sa mga reporters sa Busan.

Naglalakad si Lee sa grupo ng mga mamamahayag matapos nitong bisitahin ng site ng bagong paliparan nang biglang siyang sugurin ng isang lalaki at tagain sa leeg.

Read More:  Family appeals for help as Filipino doctor Juan Carlos Manalo remains missing in Nepal

Mabilis namang rumesponde ang mga tao sa lugar para bigyan ng agarang lunas ang sugat na natamo ng opposition leader.

Nadala rin siya sa hospital sakay ng helicopter.

Read More:  Light Rail Manila Corp., clarifies water leak incident inside LRT-1 train

Dahil sa insidente, nananawagan si Kwon Chil-seung, kasamahan ni Lee sa Democratic Party ng malalimang imbestigasyon sa nangyaring pag-atake.

Samantala, agad din namang naaresto ang suspek.

(Photo from: Reuters)