Nanguna sa isinagawang survey ng OCTA Research para sa darating na senatorial candidates para sa 2025 midterm elections si Cong. Erwin Tulfo
Ito naman ay agad ding sinundan ni Senador Christopher “Bong” Go na nakakuha ng ikalawang pwesto at si dating Senate President Tito Sotto para sa ikatlong pwesto.
Maliban pa roon, nakuha naman din ni Senador Ronald Bato Dela Rosa ang ikaapat na pwesto, samantalang panglima naman si Senadora Imee Marcos.
Maalala, binuo ng 1,200 na indibidwal ang sumagot sa nasabing survey.