So.Cot, BARMM lumagda sa MOA

KORONADAL CITY- INAASAHAN na magiging estable na ang supply ng feeds sa Soccsksargen para sa livestock industry matapos ang signing ng Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng provincial government ng South Cotabato at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para sa programa nito sa mga corn farmers.

Nakasaad sa naturang kasunduan na ang mga produkto ng mga corn farmers sa BARMM ay bibilhin ng mga poultry farms sa South Cotabato.

Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas pa ang partnership ng rehiyon 12 at ng BARMM.

Inihayag ni Department of Agriculture o DA Undersecretary Engr. Zamzamin Ampatuan na direktang makakabenepisyo sa naturang programa ang mga dating MILF combatants na sa ngayon ay pagsasaka na ang ikinabubuhay.

Ang MOA signing ay pinangunahan ni Usec Ampatuan, South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr at Minister ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform Dr. Mohammad Yacob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *