Magsasaka na umano’y kalaguyo ng misis ng pulis, binaril-patay

CAMARINES SUR- Patay ang isang 51-anyos na magsasaka matapos na mabaril patay ng pulis sa Camarines Sur; ang biktima kalaguyo umano ng misis ng pulis.

Sa ulat ng Cabusao Municipal Police Station nangyari ito bandang ala-1:54 ng madaling araw nitong Marso 19 sa Barangay Camagong.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Bernardo Peñero, hepe ng Ragay Municipal Police Station, tumawag sa kaniya ang pulis na si PSSg Baltazar Manacob , 43-anyos,  assign sa PNP Ragay na residente ng Cabusao, sinabi ng pulis na nabaril nito ang biyudong si Arlando Sugay ; ang umano’y “lover” ng asawa dahil naabutan umano na may “sexual act” sa kubo.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sinabi rin sa Brigada News FM Naga ni PCapt. Rosalinda Moises , hepe ng Cabusao PNP,  sa pagresponde nila sumuko ang pulis at isinuko rin ang kaniyang armas.  Nakausap din nila ang asawa ng pulis na nag salaysay  kung bakit nabaril ni Manacob si Sugay. Nasa kostudiya ng PNP ang suspek.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon naman sa mga kaanak ng biktima base sa kanilang mga pahayag sa social media, sana ay maging patas ang imbestigasyon, kinukuwesyon nila na naabutan sa akto, dahil nang nabaril si Sugay kompleto naman ang suot, nakabelt at nakajacket pa.

Tiniyak ni Moisose  na magiging patas ang imbestigasyon.

Mahaharap sa kasong murder ang suspek.