KORONADAL CITY- NASA 98,756 na mga ID cards ang itinurn-over ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth Region 12 sa provincial government ng South Cotabato kamakailan lamang.
Ang naturang mga ID cards ay para sa mga indigent members ng probinsya ng South Cotabato na enrolled sa Listahanan 2.
Napag-alaman na magsasagawa din ang Philhealth 12 ng AlaGa Ka o “Alamin at Gamitin”, isang platform para sa mga Philhealth members upang malaman ng mga ito ang kanilang mga karapatan at prebilihiyo sa ilalim ng Universal Health Care Program at kung paano gamitin ang mga serbisyo na nakalaan para sa kanila.
