Tatlong bayan sa Isabela, nabahagian ng libreng bigas

Nagpapatuloy sa pamamahagi ng libreng Bigas ang Pamahalaang Panlalawigan sa tatlong Bayan ng Isabela na naglalayong walang mamamayang Isabeleño ang magugutom.

Ang naturang programa ay sa ilalim ng pamumuno nina Isabela Governor Rodito Albano III at Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III.

Sa kabuuan, nabigyan ng Bigas ang humigit apat na libong mamamayan na kinabibilangan ng mga mangingisda, PWD’s, Frontliners at Toda Members.

Isinagawa ang naturang distribusyun sa Bayan ng Echague, Bayan ng San Isidro at Bayan ng Burgos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *